Masasaksihan sa miyerkules ang tinaguriang Supermoon.
Ayon sa PAGASA, ang Supermoon ay mas malaki ng 14 na porsyento kumpara sa full moon at 30% na mas maliwanag.
Posible umanong marating nito ang sukdulang liwanag at laki dakong 2:09 ng madaling araw.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na mayroong posibilidad na matakpan ng ulap ang liwanag na dala ng supermoon.