Isang supermoon ang inaasahang matutunghayan ngayong Martes ng gabi.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), matutunghayan ang peak ng supermoon mula alas-11:22 hanggang alas-11:32 ng gabi, mamaya.
Ang naturang supermoon ay may perigee distance, o layo mula sa sentro ng Earth, na 357,378 kilometers.
Paliwanag ng PAGASA, nagmukmukhang malaki ang buwan pag naabot nito ang pinakamalapit na distansya nito mula sa mundo sa kanyang elliptic orbit.