Malaki ang pasasalamat ni Superstar Nora Aunor at kanyang naipa-therapy ang kanyang boses.
Ito ay sa pamamagitan aniya ng kanyang mga isponsor na nagmalasakit at wala namang hininging kapalit.
Abril 20 nang tumulak papuntang Singapore si Nora kasama ang kanyang long-time partner na si John Rendez at isang personal assistant.
Doon aniya ay nagkapagpa voice therapy si Nora sa isang espesyalistang gumamot na rin sa nasirang boses ng ilang Hollywood celebrity.
Sa oras na bumalik sa dati ang boses ng Superstar ay isang malaking presscon aniya ang asahan.
By Ralph Obina