Irerekomenda ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pag-sasaayos sa batas na nagbibigay lamang ng Administrative Supervision sa Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Corrections (BuCor).
Kasunod na rin ito ng tatlong (3) linggo nang pagdinig ng Senado hinggil sa kontrobersiya sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Ayon kay Drilon, nang maipasa ang BuCor Act of 2013, halos tila naging independent agency na ang BuCor.
Wala na aniyang nagkokontrol o nagsusupervise sa mga desisyon ng BuCor chief na dapat aniya ay nasa ilalim ng Secretary of Justice.
Iginiit pa ni Drilon sa panayam sa DWIZ na hindi lamang aniya nangyayari ito sa BuCor kundi maging sa iba pang mga ahensiya na nasa ilalim ng DOJ tulad ng NBI, Bureau of Immigration, Boards of Pardon and Parole, at Land Registration Authority.
Sa katunayan, sa ilalim ng Department Order number 953, ang Secretary of Justice ay binibigyan ng kapangyarihan na i-approve lahat ng releases tungkol sa GCTA..bago i-release dapat ay may pahintulot ng Secretary of justice.. Pero ito nay department oder lamang kaya dapat maisabatas ito,” — Sen. Franklin Drilon