Pinababantayan ng isang grupo sa pamahalaan ang suplay ng bigas sa bansa.
Ito ay dahil sa posibilidad na samantalahin ng mga negosyante ang tinatawag na lean months o panahon ng paghahanda ng mga magsasaka para ipitin ang suplay ng bigas na nagging dahilan ng pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay Grains Retailers Confederation (GRECON), Convenor Orlando Manuntag, bagama’t sapat ang suplay ng bigas at maganda ang kalidad ng mga nfa rice, umaasa sila na manatiling matatag ang presyo nito sa mga susunod na panahon
Aniya, tuwing lean months kadalasang nagbubukas ang NFA at mga pribadong rice millers na mag angkat ng bigas mula sa ibang bansa na mahigpit na kakumpetensya ng mga locally produce sa presyuhan.
Kasunod nito, nanawagan din si Manuntag sa gobyerno na i-preserve ang mga sakahan sa bansa para hindi mawalan ng hanap buhay ang mga magsasaka.