Hinahanap ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang libu-libong bakuna na umano’y bahagi ng kabuuang supply na ibinigay dito ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Treñas, nasa 66,000 lamang na bakuna ang natanggap nila mula sa 84,000 vaccines na ipinadala umano ng DOH sa lungsod.
Sinabi ni Treñas na sumulat na siya kay DOH Western Visayas Director Emilia Monicimpo para tanungin sa vaccine supply sa Iloilo City subalit wala pa siyang natatanggap na sagot mula rito.
Inihayag ni Treñas na hindi nagtatagal sa kanila ang bakuna kung saan walong libo ang naituturok sa kanilang residente araw-araw.
Kaugnay nito muling umapela si Treñas sa national government para magpadala ng dagdag na bakuna at huwag namang ibigay ang malaking bahagi ng supply sa Metro Manila at walo pang lalawigang kalapit nito.