Nananatiling sapat ang suplay ng asukal sa kabila pa rin ng banta ng El Niño.
Tiniyak ito ni Sugar Regulatory Administrator Gina Martin kasunod aniya nang inangkat nilang 170,000 metric tons ng asukal para hindi tumaas ang presyo ng asukal.
Sinabi ni Martin na inaasahan na nilang hanggang 10 porsyentong produksyon ng asukal ang mababawas dahil sa El Niño.
Tiwala naman si Martin na tuluyang makokontrol ang pagtaas ng presyo ng asukal kapag dumating pa ang dagdag na 100,000 metriko tonelada ng asukal mula sa Amerika.
By Judith Larino