Umaabot sa dalawang trak o katumbas ng 130 mga baboy ang sinimulan nang ibiyahe ng Department Agriculture (DA) mula Soccsksargen patungong Metro Manila.
Ito ay bilang bahagi ng programa ng kagawaran para mapatatag ang suplay ng karneng baboy at manok sa Metro Manila, kasabay na rin ng pagpapatupad ng Executive Order 124 o paglalagay ng price cap sa mga ito.
Ayon kay Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, nangako na ang mga magbababoy sa soccsksargen na magpapadala sila ng suplay ng mga baboy sa Metro Manila kada linggo.
Kasunod aniya ito ng pakikipagpulon ni secretary william dar sa mga magbababoy sa General Santos City South Cotabato noong nakaraang linggo.
Nakipag-usap na si Secretary William Dar sa mga nagbababoy doon at nag-commit sila ng baboy linggo-linggo sa Metro Manila. In fact, meron kaming dalawang truck ng baboy patungong Metro Manila,”pahayag ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes.
Dagda ni Reyes, una na ring nagpadala ng mahigit animnaraang mga baboy ang lalawigan ng Iloilo sa Metro Manila noong nakaraang Biyernes.
Maganda po ang reception ibig sabihin kaya tayo umiikot ….na bigyan lahat… ng walang sakit na ASF ipadala sa Maynila. Biyernes ay nagpadala na ng mahgit 600 na baboy iyan po ay umpisa pa lamang,” ani Reyes.