Muling tiniyak ng isang grupo na sapat ang lokal na produksyon ng baboy hanggang sa Disyembre.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni vice president Nick Briones, ng Pork Producers Federation of the Philippines (PPFPI) na nananatili pa rin ang farmgate price ng produkto sa P160 hanggang P180.
Dahil dito, nalulugi aniya ang mga magbababoy bunsod na rin ng mataas na presyo ng mais, soya at iba pa.
Binigyang-diin naman ni Briones na humiling sila ng ayuda sa gobyerno dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.