Numinipis na ang suplay ng mga karneng baboy sa mga pamilihan sa bansa kasunod ng nagpapatuloy na krisis dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, aniya bagamat sapat ang suplay ng bigas, gulay at manok, bahagya namang numinipis ang suplay sa mga karneng baboy dala na rin sa epekto ng african swine fever (ASF).
Dagdag pa ng kalihim, ito’y bunsod ng paglipat ng ilang mga hog raisers sa pag-aala ng manok, kung kaya’t sobra-sobra naman ang suplay nito sa merkado.
Kasunod nito, ayon kay Dar, maraming natutunan ang ahensya dala nang pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Iginiit din ng ahensya na mahalagang magkaruon ng digital agriculture, intervention sa merkado, at ang tuloy-tuloy na paggawa ng pagkain sa kabila ng kinakaharap na krisis ng bansa.