Hindi naniniwala ang World Health Organization (WHO) na magkakaroon ng sapat na dami ng COVID vaccine sa susunod na 3 hanggang 6 na buwan para pigilan ang pagtaas ng bilang ng mga posibleng tamaan pa ng nakahahawang sakit.
Ayon kay Mike Ryan, top emergency expert ng WHO, ito ang dahilan kaya patuloy pa rin nilang pinapanawagan sa mga tao na panatilihing i-obserba ang physical distancing at pagsusuot ng face mask o face shield.
Mahalaga rin aniyang igalang ang iba pang health measures na ipinatutupad kung ang isang indibidwal ay dadayo sa isang lugar upang matiyak na maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19.