Inaasahan na ang sapat na suplay ng bakuna ng gobyerno.
Ayon ito kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion kaya’t hindi na aniya kailangang mag-donate ng pribadong sektor sa pamahalaan ng bahagi ng kanilang biniling Astrazeneca vaccines.
Sinabi ni Concepcion na sa Pebrero 2022 pa inaasahang darating sa bansa ang ibibigay nilang doses ng bakuna sa gobyerno.
Gayunman, tiniyak ni Concepcion ang commitment ng private sector para tumulong sa vaccine supply sa NCR plus.
Magugunitang lumagda ang private sector, local government units at national government sa isang tripartite agreement para sa kabuuang 17 milyong doses ng bakuna mula sa Astrazeneca na ang 2.5 milyong doses ay darating sa susunod na buwan o sa Agosto kung kailan gugulong ang pagbabakuna ng pribadong sektor sa kanilang mga empleyado.