Kakulangan ng supply ng bakuna sa buong mundo.
Ito ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan kaya’t wala pa ring nabibiling bakuna kontra COVID- 19 ang Pilipinas sa gitna na rin nang paghihintay ng sambayanan sa pagdating ng mga bibilhing bakuna mula sa vaccine manufacturers.
Sinabi ng Pangulo na naudlot din ang supply ng bakuna na ipinangako ng World Health Organization sa pamamagitan ng Covax facility nito dahil sa kawalan ng vaccine supply.
Binigyang diin ng pangulo na kahit bumili, magnakaw o manghiram ay wala talagang makuhang supply ng bakuna dahil sadyang kailangan ng lahat ng bansa ang COVID-19 vaccine.