Masosolusyonan na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa susunod na linggo ang kakulangan sa suplay ng Beep Cards.
Ayon kay LRTA administrator Hernando Cabrera, mayroon nang idedeliver na 45,000 beep cards para sa LRT-2.
Naideliver na rin ang 34,500 sa 70,000 Beep Cards sa Line 1 habang 59,000 sa 70,000 ang na-ideliver sa Line 3.
Nabanggit din ni Cabrera na sinasamantala rin ng mga scalpers ang kakulangan nito kaya ibinibenta nila ito sa mas malaking halaga.
Dahil dito pinag-iisipan nang kanilang ahensya na itaas ang presyo ng Beep Card mula sa dating presyo nito na P30.00. —sa panulat ni Hannah Oledan