Inaasahan ang maraming ani ng palay sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, batay ito sa kanyang “visual appreciation” sa pagbisita nito sa mga sakahan sa iba’t ibang lalawigan.
Kumpiyansa ang Kalihim na magiging mataas ang porsyento ng ani ng palay partikular sa Central Mindanao, Iloilo, Aklan, Antique, Capiz, Quezon at Bicol.
Samantala, tiniyak rin ni Piñol na sapat ang suplay ng karne ng manok at baka.
Ito ay sa kabila ng ipinatutupad ngayong ban sa pag-aangkat ng mga manok mula sa mga bansang tinamaan ng bird flu.
Sinabi ng Kalihim na wala naman siyang nakikitang krisis sa suplay ng manok sa ngayon at nanindigan itong magpapatuloy ang pagban sa pag-iimport ng manok para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng poultry industry sa bansa.
By Ralph Obina