Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na nananatiling sapat ang supply ng bigas sa kabila ng pananalasa ng bagyong Lando sa Central at Northern Luzon.
Ayon kay NFA Administrator Renan Dalisay, may sapat na supply ang bansa hanggang Disyembre kaya’t malabo pang tumaas ang presyo ng bigas.
Nakapag-stock aniya ang gobyerno at nakapag-angkat naman mula Vietnam at Thailand bago pa humagupit ang kalamidad.
Sa kabila nito, inihayag ni Dalisay na patuloy nilang minomonitor ang presyo kaya’t hinihimok nila ang publiko na makibahagi sa kampanya laban sa mga mapagsamantala.
By Drew Nacino | ChaCha