Muling tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng bigas sa bansa at walang dahilan para tumaas ang presyo nito sa mga pamilihan.
Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol makaraang lumabas sa monitoring ng PSA o Philippine Statistics Authority na nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng presyo ng bigas sa ilang lugar sa bansa partikular na sa Metro Manila.
Ayon kay Piñol, tumaas ang lokal na produksyon ng palay sa 95 porsyentong National Rice Requirement ngayong taon kumpara sa 89 na porsyentong rice requirement nuong isang taon.
Batay sa monitoring naman ng DWIZ sa presyuhan ng bigas sa mga pamilihan, naglalaro sa 35 hanggang 40pesos ang presyo ng well milled rice habang nasa 40 hanggang 50 Pesos ang presyo naman ng commercial rice sa kada kilo.