Kinalma ng Malakaniyang ang publiko kaugnay ng mga ulat hinggil sa kakapusan umano ng suplay ng bigas sa Pilipinas.
Ito’y makaraang aminin ng National Food Authority o NFA na tatagal na lamang ng isa hanggang tatlong buwan ang suplay ng bigas sa kanilang mga kamalig.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiniyak mismo sa kaniya ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco na hindi pa tuluyang nauubos ang buffer stock ng bigas.
Mayruon pa aniyang naka-standby na 250,000 metriko toneladang bigas sakaling kailanganin ng NFA sa panahon ng krisis o di kaya’y sa panahon ng kalamidad.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio