Sapat pa rin ang supply ng bigas sa bansa, sa kabila ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Ito ang binigyang-diin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kasabay ng pagpapahayag na nakapag-ani ang D.A. ng halos 60-70% ng rice crops makalipas ang ilang linggo bago tumama ang bagyo.
Dagdag ni Secretary Laurel, pinabilis na ng D.A. ang pag-ani at procurement ng mga panananim sa pamamagitan ng National Food Authority.
Ipinag-utos na rin aniya sa NFA na hangga’t maaari ay magpadala ng bigas na higit pa sa kinakailangan o ni-request ng lugar na naapektuhan ng bagyong Kristine. - sa panulat ni John Riz Calata