Posibleng madagdagan pa ang suplay ng bigas sa bansa ngayong taon.
Ito ay ayon kay Department of Agriculture o DA secretary William Dar, titiyakin aniya nilang sasapat ito para sa lahat ng mamamayan sa bansa.
Sinabi pa ni DAR na marami silang ginagawang rice supply scenarios tulad ng forecasting upang magkaroon ng mas malinaw na projection sa rice stock inventory.
Paliwanag pa ng kalihim na iinspeksyunin nila ang mga bodega ng mga rice traders upang maiwasang makontrol ng mga negosyante ang presyo ng bigas sa bansa.