Sapat ang suplay ng bigas sa buong Marawi City.
Ayon sa NFA o National Food Authority, sa kasalukuyan ay mayroong stock na tatlumpu’t walong libong (38,000) sako ng bigas ang ahensya sa marawi na sapat na sapat para sa residente doon sa susunod na limang (5) araw.
Idinagdag pa ng NFA na maging ang buong Mindanao region ay may sapat na buffer stock ng bigas na aabot sa 1.5 milyong sako.
Kaugnay nito, sinabi ni NFA Spokesperson Cynthia Suarez na tiniyak mismo ng kanilang pamunuan na hindi kakapusin sa pagkain ang Marawi City, sa kabila ng krisis na dinaranas nito dahil sa paglusob ng mga miyembro ng Abu Sayyaf group at Maute terror group.
By Meann Tanbio