May sapat na suplay ng bigas sa buong bansa hanggang sa matapos ang taong 2022.
Ito ang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson Kristine Evangelista kahit na mayroong malalakas na bagyo ang dumaan sa bansa.
Matatandaang ilan sa mga malalakas na bagyong nakaapekto sa bansa ay ang Bagyong Agaton, Florita, Karding, at Paeng.
Sa datos ng DA, pumalo sa P19.3-B ang halaga ng pinsala ng mga nabanggit na bagyo sa bansa.
Sa nasabing bilang, P8.5 -B dito ang halaga ng pinsala sa palay kung saan katumbas ito ng 533 ,000 metriko tonelada ng palay o mahigit sa 2 % ng kabuuang target ng produksyon ngayong taon.