Mayroong sapat na suplay ng COVID-19 vaccines para sa mga menor de edad sa NCR.
Tiniyak ito ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, chair ng national vaccine center, sa gitna na rin nang ikinakasang pagsisimula ng pagbabakuna sa mga kabataan sa Metro Manila sa Oktubre 15.
Sinabi ni Cabotaje na isinasapinal na ang mga panuntunan sa pagbabakuna sa mga minor, subalit priority na maturukan ang mga 15 to 17 years old na mayroong comorbidities.
Una nang inihayag ng DOH na ang Pfizer at Moderna vaccines ang nakakuha ng Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration para iturok sa mga bata.