Nanawagan ang Philippine General Hospital (PGH) ng donasyon ng dugo.
Ito’y dahil nasa “critical level” na ang suplay ng dugo ng kanilang ospital.
Batay sa facebook post ng PGH, hinihikayat nila ang voluntary, non-remunerated, non-predeposit at non-replacement donors.
Bukas ang tanggapan ng PGH blood donor center tuwing Lunes hanggang Linggo, mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Bukod dito, tumatanggap rin ang PGH ng walk-ins mula alas otso hanggang alas dos ng hapon.