Posibleng lalo pang sumirit ang presyo ng gulay sa mga pamilihan sa mga susunod na buwan.
Ito ang ibinabala ng Department of Agriculture (DA) nang ibunyag nito na nagkukulang na ang suplay ng gulay sa bansa.
Ayon sa kagawaran, aabot sa mahigit 1.6 milyong metriko toneladang gulay ang projected local vegetable production para sa taong ito
Habang tinatayang nasa 20,000 metriko toneladang gulay naman ang inaasahan nilang aangkatin ng bansa.
Sumatutal, aabot sa mahigit 1.7 milyong metriko tonelad ang suplay ng gulay sa buong bansa .
Kaya’t nangangahulugan na mayruon pang 434,840 metriko tonelada ang kakulangan sa suplay ng gulay sa bansa sa kasalukuyan.