Tiniyak ng Philippine Association of Meat Processors Incorporated (PAMPI) na magiging sapat ang suplay ng hamon de bola sa Luzon ngayong kapaskuhan.
Gayunman sinabi ni PAMPI Spokesman Rex Agarrado, posibleng magkulang naman ang suplay nito sa Visayas at Mindanao.
Paliwanag ni Agarrado, itinigil nila ang pagpo-produce ng mga processed meat products tulad ng hamon de bola para sa Visayas at Mindanao kasunod naman ng mga ipinatupad na ban ng mga lokal na pamahalaan dahil sa pangamba ng African Swine Fever (ASF).
Dagdag ni Agarrado, inaasahan ‘ding tataas ang presyo ng hamon de bola sa Visayas at Mindanao bunsod na rin ng kakaunting suplay.
Ni-reduce po namin yung aming production po dito because of the expectation na hindi na magbubukas ang Visayas at Mindanao. Therefore, we only produce 60% of what we produce, ang Visayas at Mindanao po is only 40% po ng market. So, therefore, Visayas and Mindanao po, kung hindi bubuksan yung mga pintuan ay magde-depend na lang sa supply sa Cebu atsaka galing sa Cagayan de Oro, meron namang producers doon like Virginia, yung Sun fried, sa Cagayan de Oro naman merong Slers, Oro ham so definitely meron naman po silang production pero not enough for the whole VisMin region,” ani Agarrado. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.