Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng suplay ng iligal na droga sa bansa.
Ito ay kasunod ng pinaigting na kampanya ng gobyernong Duterte laban sa iligal na droga.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, habang nililinis aniya sa iligal na droga ang bansa ay nawawala naman na aniya ang takot ng publiko sa krimen at mga karahasan.
Ang natatangi na lang aniyang natatakot ngayon ay ang mga sangkot sa bentahan ng iligal na droga.
Batay sa tala ng PNP, aabot na sa mahigit 16,000 drug suspects ang kanilang naaaresto habang mahigit 700,000 naman na ang kusang sumuko.
By Ralph Obina