Mananatiling mataas ang suplay ng isda sa Pilipinas sa kabila ng mga ipinapatupad na restriksyon sa nararanasang COVID-19 pandemic.
Sa inilabas na datos ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), umabot sa 35.18% o katumbas ng 371.03 metrikong tonelada (MT) ang naitalang weekly unloading volume sa Lucena Fish Port Complex (FPC) mula 4 hanggang a dies ng Hunyo.
Naitala naman sa 70.64 MT ang supply ng galunggong na sinundan ng bangus na may -60.25 MT, hipon -32.26 MT, tulingan -31.32 MT at tilapia -28.08 MT.