Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na sapat ang supply ng isda para sa Holy Week.
Ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazzer Briguera, peak season ito sa pangingisda, kaya inaasahan nila na sapat ang supply nito sa mga palengke.
Dagdag pa ni CIO Briguera, kanilang tinugunan ang mga pangambang kaugnay sa posibilidad ng taas presyo, at kanyang binigyang diin na mababa ang presyo ng isda ngayong buwan.
Sa ngayon, nasa P60 – P70 ang presyo ng kada kilo ng galunggong, habang ang retail price naman ng bangus ay nasa P150 – P220 kada kilo depende sa sukat.
Umabot naman sa P120 – P160 ang presyo ng kada kilo ng Tilapia. – sa panunulat ni Charles Laureta