Tiniyak ng agriculture department na stable ang suplay maging ang presyo ng isda sa NCR plus.
Batay kasi sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), maging ang Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ay karamihan sa mga dumarating na suplay ng isda ay galunggong habang ang iba pang suplay ay pinaghalong tulingan, matambaka, dalagang bukid , tamban at iba pa.
Habang karamihan naman sa mga suplay ng mga isdang bangus at tilapia ay nanggagaling sa mga fishpens at ponds sa Bulacan, Pangasinan, Batangas at kapalit na mga lalawigan.
Dahil dito, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na stable pa rin ang presyo ng mga isda sa pamilihan.
Sa 10 retail markets at isang wholesale markets sa NCR, nasa P180 hanggang P240 ang presyo ng kada kilo ng galunggong, habang nasa P120 naman ang presyo ng tilapia.