Posibleng kapusin ngayong taon ang suplay ng itlog sa bansa dahil sa pagtaas ng presyo ng feeds o patuka ng manok.
Ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) Chairman Gregorio San Diego, mula sa P14 na presyo sa kada kilo ng patuka partikular na ang mais ay tumaas na ito sa P22 kada kilo.
Tumaas din ang presyo ng soybean kung saan, mula sa dating P27 kada kilo ay tumaas na ito sa P55 kada kilo.
Dahil dito, nagbabala si San Diego na posibleng magkulang ang suplay ng mga itlog sa loob ng anim na buwan kapag patuloy na tumataas ang presyo ng chicken feed. —sa panulat ni Angelica Doctolero