Nagkukulang na rin ang suplay ng sweet potatoes o kamote sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Domingo Panganiban, noong Hulyo pa nagsimulang bumaba ang suplay ng kamote sa bansa.
Malaking epekto sa suplay ang lagay ng panahon kung saan hindi masyadong lumalaki ang kamote kapag malamig ang klima.
Sa kabila nito, umaasa ang opisyal na magmumura, babalik na sa normal ang suplay at laki ang kamote na inaasahang magaganap sa Oktubre, Nobyembre at Disyembre.
Pangunahing pinagkukunan ng kamote sa Pilipinas ang Central Luzon, Southern Tagalog at Northern Luzon na nito lamang napinsala ng bagyong Florita.