Sapat ang suplay ng karne sa bansa para sa Kapaskuhan sa kabila ng pagtaas ng kaso ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay National Federation Hog Farmers Inc. President Chester Tan, nagsimula nang mag-breed ng baboy ang ilang hog farmers.
Mababatid na ang bayan ng Oton at San Miguel sa Iloilo ay nagdeklara ng state of calamity kamakailan bunsod ng pagtaas ng kaso ng ASF.
Dahil dito, ang ilang pantalan, kabilang ang ilan sa Cebu, ay mahigpit na mino-monitor para masiguro na hindi makokontamina ang mga karne na papasok sa lalawigan.
Nagpatupad naman ng ilang hakbang ang pamahalaan para maibsan ang pagkalat ng sakit.
Maliban sa paggawa ng bakuna para sa ASF, pinaiigting din ng gobyerno ang unang border security para pigilan ang may sakit na baboy na makarating sa merkado.
Samantala, ilang organisasyon ng hog farmers ang nagsabing susubukan nilang panatilihin ang farmgate price ng pork sa 180 pesos hanggang 200 pesos kada kilo. – sa panulat ni Hannah Oledan