Tiniyak ng Cebu City Department of Veterinary Medicine and Fisheries (DVMF) na sapat ang suplay ng karne hanggang Disyembre ngayong taon matapos makapagtala ng African Swine Fever (ASF) mula sa isla ng panay.
Ipinag-utos na ni mayor Mike Rama ang pagbabawal na makapasok ang mga live hogs kahit anong meat product mula sa Panay, partikular sa Iloilo province
Ayon kay Dr. Jessica Maribojoc, OIC ng DVMF, mahigpit ang kanilang border kontrol upang maprotektahan ang hog industry at maiwasang makapasok ang ASF sa isla ng Cebu.
Nagpaalala na ang DVMF sa publiko na tingnan ang meat inspection certificate ng mga supplier para matiyak na ligtas kainin ang karne. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla