Manipis na naman ang suplay ng kuryente sa Luzon grid.
Dahil dito, itinaas ng National Grid Corporation of The Philippines (NGCP) ang yellow alert status sa Luzon Grid mula alas-10 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga at mula alas12 ng tangahali hanggang alas-2 ng hapon.
Ayon sa NGCP ang tinatawag na operating requirement ay 10,924 mega watts ngunit ang available capacity ay 11,067 mega watts.
Ibig sabihin anila, net operating margin ay nasa 143 mega watts lamang.
Nabatid na apat na planta ang unplanned outages habang tatlong planta naman ang nagbawas ng kapasidad.