Sapat ang suplay ng kuryente ngayong panahon ng tag-init.
Ito, ayon kay Senate committee on energy chairman Sherwin Gatchalian, ang tiniyak mismo ng Department of Energy (DOE) kasunod ng kanilang isinagawang briefing.
Aniya, maliit lamang o halos walang magiging epekto sa suplay ng kuryente ang nararanasang El Niño dahil marami na rin aniyang pumasok na mga planta sa bansa.
“Ibig sabihin buong bansa hindi tayo magkakaroon ng problema sa kuryente kahit may El Niño. Dahil maraming mga bagong plantang pumasok at hindi lang hydropower plant ang mga pumasok na planta kundi iba’t ibang klase ng enerhiya kaya hindi tayo magkakaroon ng problema kahit na malala ang El Niño.” Pahayag ni Sen. Gatchalian.
Sinabi pa ni Gatchalian, nagsagawa na rin ng simulation ang DOE para matiyak na walang mangyayaring brownout sa darating na halalan sa Mayo.
“Malapit na ang eleksyon rin May 13 magkakaroon tayo ng eleksyon. At nagpa-simulate tayo kung ano ang worst case scenario ibig sabihin kung malalang El at magkakaproblema tayo sa ibang power plant at lumalabas sa briefing namin na hindi magkakaroon ng brown out even sa election. Kahapon nagkaroon kami ng briefing at maganda naman ang balita handa yung ating DOE at may excess power na papasok sa ating grid.” Ani Gatchalian.
Interview from Usapang Senado