Tiniyak ng Meralco na may sapat silang suplay ng kuryente sa gitna ng inaasahang mataas na demand ngayong panahon ng tag-init.
Ito ay sa kabila na rin ng nakatakdang maintenance shutdown ng ilang mga planta ng kuryente na pinagkukunan nila ng suplay.
Kabilang sa mga isasailalim sa maintenance sa mga susunod na buwan ang Pagbilao 1 Coal Plant at Santa Rita Gas Plant modules 30 at 40.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, wala silang nakikitang problema sa mga susunod na buwan dahil kumukuha naman aniya sila ng suplay sa iba’t ibang power industry players.
Malugod din inihayag ni Zaldarriaga na nasa white alert status sila nitong mga nakaraang linggo na nangangahulugang may sapat na suplay ng kuryente ang kanilang reserba.