Inihayag ng National Electrification Administration (NEA) na naibalik na ang linya at suplay ng kuryente sa 2.7 million na kabahayan sa Visayas at Mindanao makaraang manalasa ang bagyong Odette.
Ayon kay NEA Project Officer Mark Ian Francisco, 770 munisipalidad o 2,729,429 na ang kabuuang bilang ng mga bahay na stable na ang suplay ng kuryente habang 47 munisipalidad o 915,384 naman ang patuloy paring naghihintay na maibalik ang kanilang kuryente.
Sa ngayon, humigit-kumulang 82.18% ng mga munisipalidad at 77.61% naman ng mga kabahayan ang nasa normal na ang suplay ng kuryente. —sa panulat ni Angelica Doctolero