Tiniyak ngayon ng MERALCO na sapat ang suplay ng kuryente sa pagdaraos ng 31st ASEAN o Association of Southeast Asian Nation Summit sa bansa simula bukas , November 13.
Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga , matagal na nilang pinaghandaan ang mahalagang okasyon katuwang ang NGCP o National Grid Corporation of the Philippines para matiyak na sapat ang kuryente sa Metro Manila partikular na sa mga lugar na pagdarausan ng ASEAN Summit.
Tiniyak naman ni Zaldarriaga na mananatili pa rin silang nakaantabay at hindi magpapabaya sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang kaganapan.