Inihayag ng Department of Energy (DOE) na posibleng mag-palabas ng yellow alert status ang kanilang ahensya sa ikalawang kwarter ng susunod na taon.
Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevara, ito’y dahil sa dry season o posibleng matinding init ng panahon na mararanasan sa buwan ng April hanggang July 2023.
Sinabi ng opisyal na hinahanapan na ng kanilang ahensya ng reserbang kuryente bilang alternatibo sa posibleng pagpapatupad ng yellow alert status sa nabanggit na mga buwan.
Iginiit ni Guevara na walang dapat ipangamba ang publiko dahil ginagawan na nila ng paraan para mabigyan at masolusyonan ang problema sa posibleng pagnipis sa suplay ng kuryente.