Makakaasa umano ang publiko na walang magaganap na power interruption sa Mayo 14, araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ito ang pagtitiyak ni Energy Secretary Alfonso Cusi, na sapat ang suplay ng kuryente sa nasabing araw.
Sinabi ni Cusi na nakapaglatag na ng contingency ang kanilang hanay matapos ang pakikipagpulong sa task force on energy resiliency.
Samantala, nakatakda naman magkaroon ng pulong ang energy team at Commission on Elections o COMELEC para mapaghandaan ang nalalapit na araw ng halalan.
—-