Naibalik na ang suplay ng kuryente sa ilang lugar na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette kabilang na ang ilang lugar sa Region 4B, 6, 7, 10 at 13, Palawan, Cebu, Bohol, Samar, Northern Mindanao, Caraga, Dinagat, Siargao at Surigao del Norte.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Director Rino Abad, plano nilang gawing isangdaang porysyentong operational ang suplay ng langis at gas na isa sa pinaka kailangan ng mga apektadong pamilya.
Siniguro naman ng DOE na magiging sapat sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo ang suplay ng kuryente sa iba pang mga lugar sa tulong ng generator sets.