Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Batangas at Camarines Sur matapos ang hagupit ng bagyong Paeng.
Sa isang ulat, naibalik ang Calaca-Nasugbu 69KV Line na nagsu-suplay ng kuryente sa Batangas Electric Cooperative 1 (BATELEC I) at ang Batangas-Rosario 69kv Line na nagsu-suplay sa BATELEC II at Ibaan Electric Corp.
Naibalik din ang Naga-Libmanan 69kv Line na nagsu-suplay naman ng kuryente sa Camarines Sur Electric Cooperative 1 (CASURECO I).
Sisikapin umano ng ngcp na magamit pa ang iba pang transmission lines na hindi pa ganap na operational, kabilang sa mga ito ang:
Cabanatuan-San Luis 69kv Transmission Line,
- Cabanatuan-Fatima 69kv Line na Parehong nasa North Luzon,
- South Luzon: Gumaca-Lopez-Tagkawayan 69kv Line,
- Pitogo-Mulanay 69kv Line,
- Batangas-Bolbok-Bauan 69kv Line,
- Batangas-Mabini-Cuenca 69kv Line,
- Bay-Calamba 69kv Line,
- Lumban-Caliraya 69kv Line,
- Famy-Comon 69kv Line
- At Sorsogon-Bulan 69kv Line
Bukod sa mga ito, hindi rin operational ang San Juan-Calauan 230kv Line 1, Tayabas-Naga 230kv Line 2 at Tayabas-Pagbilao 230kv Line 1.
Samantala, asahang agad magsasagawa ng inspeksyon at assessment ang NGCP sa epekto ng bagyo sa kanilang operasyon at pasilidad. - sa panulat ni Maze Aliño-Dayundayon