Naibalik na ang suplay ng kuryente sa 15 mula sa 21 lugar na hinagupit ng nagdaang Bagyong Ompong.
Iyan ang inihayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa pulong balitaan na ipinatawag sa Tuguegarao, Cagayan kaninang tanghali.
Pero masayang ibinalita ni Cusi na wala namang mga planta ng kuryente ang matinding napinsala kaya’t agad nilang maibabalik ito sa lalong madaling panahon.
Gayunman, umapela si Cusi sa mga apektado ng bagyo na habaan pa ang pasensya dahil inuuna nila ang kaligtasan ng mga tauhan ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines na nangunguna sa pagbabalik ng suplay ng kuryente.