Tiniyak ng mga power stakeholders sa Cebu na maibabalik nila ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng probinsya sa loob ng isang linggo.
Ito’y makaraang makipagpulong kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang mga kinatawan mula sa Visayan Electric Co. (VECO), Cebu Electric Cooperative (CEBECO), at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kasunod ng pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon kay VECO president Raul Lucero, patuloy ang ginagawa nilang clearing operations at assessment sa mga apektadong poste ng kuryente.