Posibleng maibalik na bukas ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Leyte, Samar at Bohol.
Ayon kay Energy Spokesman Wimpy Fuentebella, ito ay dahil sa tatlong geothermal powerplant sa Visayas.
Isinasailalim pa aniya ang mga ito sa pagsusuri upang matiyak ang kapasidad ng mga plantang ito na magbato ng kuryente.
Ngayong araw din naka-iskedyul ang start up sa mga plantang ito ng Energy Development Corporation na aabutin ng labing anim hanggang labing walong oras.
Pagkatapos nito ay balik na ang kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng lindol na mas maaga kumpara sa target ng DOE na sampung araw.
Ralph Obina