Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na naibalik na sa normal ang supply ng kuryente sa Luzon at Visayas grid.
Ito’y matapos itaas sa yellow alert status ang Luzon at Visayas kamakailan bunsod ng forced outage at deration sa ilang mga planta ng kuryente.
Ayon sa NGCP, posibleng magkaroon ng karagdagang 256 mega watts sa Luzon grid kung saan, magiging sobra ang kapasidad nito na maaaring ipadala sa Visayas upang mapabuti ang supply ng kuryente sa mga lugar na sakop nito.