Nananatiling manipis ang suplay ng kuryente sa Luzon.
Bunga ito ng mababang produksyon ng enerhiya dahil sa pagbagsak ng ilang planta ng kuryente.
Dahil dito, muling inilagay sa yellow alert ang Luzon Grid mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Dahil sa manipis na reserba ng kuryente, pinapayuhan ang lahat na magtipid sa kuryente upang maiwasan ang brownout.
By Len Aguirre