Naibalik na ang 100% suplay ng kuryente sa mga lalawigan ng Leyte, Samar at Bohol matapos ang pagtama ng 6.5 magnitude na lindol.
Ayon sa DOE o Department of Energy, mayroon na silang 330 megawatts na kuryenteng kayang tumugon sa 291 megawatts na projected peak demand.
Nagpaabot naman ng pagbati at pasasalamat si energy Secretary Alfonso Cusi sa mga masisipag nilang mga tauhan partikular ang mga nasa ground dahil sa matagumpay na pagbabalik ng suplay ng kuryente.
Matatandaang mas maaga ito kumpara sa naunang target ng DOE na posibleng maibalik ang suplay sa unang bahagi ng Agosto.
- Ralph Obina