Gumaganda na ang supply ng kuryente sa Mindanao.
Binigyang diin ito ni Energy Secretary Jericho Petilla, dahil ilang electric cooperatives na lamang ang nakakaranas ng brownout.
Karamihan aniya sa mga nakakaranas pa rin ng brownout ay hindi nangongontrata ng electric supply at umaasa lamang sa kuryente sa hydro electric plants mula sa Agus Pulangi Power Plant.
Sinabi ni Petilla na kailangan din ang coal fired power plant sa Binugao, Toril at Davao City para maging sapat ang supply ng kuryente sa Mindanao.
By Judith Larino